Zette's Personal Page

Welcome to my site!

Blogs

Ang aking natutunan

zette Posted by zette at 02:36 AM on September 15, 2009

Nakikisalamuha ako sa iba?t ibang uri ng tao everyday? Kumbaga expose talaga ako sa public? Naeexpose ako sa iba?t ibang uri ng tao, iba?t ibang pag-uugali ng tao? Ito ay ilan sa aking natutunan.

 

  • May mga taong pag-nagsalita ay pasigaw or ang sadyang nilalakasan ang boses para magmukhang tanga ang mga kausap nila at sila ang lumabas na magaling (strategy ng mga tambay).
  •  Hindi lahat ng nag-eenglish ay magaling.
  • Meron ding mga taong mabait lang kung may kailangan sayo.
  • Ang iba naman puro lang salita wala din namang gawa
  • Meron ding gatong lang ng gatong pero wala din naghihintay lang ng may gagawa
  •  May mga tao ding matapang lang pag wala ang kalaban at kung magkataruan na wala din manlalaglag nalang ng iba? Yung tipong ang sinabi nalang ng iba ang lalabas ang salita nya wala na?
  • May mga tao namang pag may sinasabi ka todo oppose tapos ang ending parang inulit lang nya ang sinabi mo? Halimbawa: Tao A: Di ba ang Kilometer Zero sa Pilipinas ay makikita sa malaking flagpole sa kaliwa ng Rizal Monument? Tao B: HINDI! Sa malaking flagpole yun malapit sa monument ni rizal sa kaliwa nun yun ang kilometer zero? big grin

 

 

Ito naman ilan sa mga medyo joke kung mababaw ka lang, pero kung deep ka, pakialam ko sayo:

 

  • Pag nag-ambagan na parang nahihirapan si bente na lumabas si coin purse.
  •  May mga taong sobra sobra ang gastos sa kinikita minsan parang ganito din ako eh, e kung yun kasi nagpapasaya sakin eh pero ako naman wala naman akong ibang sinisisi, me, myself and I lang.
  • Meron din mga taong pag may bibilhin or kung ano mang kailangang bayaran itinuturo sa iba? minsan din ganito ako? Pag nagpabili ng softdrinks sa bunso naming sasabihin ko na kumuha sa coin purse ng sis ko?. Pero sa kapatid ko lang naman.
  • Yung iba naman sa sobrang pagbubudget para lang magkasya ang pera sa ibat ibang gastusin ay di na makabili ng maayos ayos na cellphone? Ako yun? hahaha? Pero ha, at least ang 3310 ko ngayon, kompyansa ako dito kahit habulin ko pa snatcher neto at isama ko pa pati charger di nya to kukunin? Maliban nalang siguro kung sasamahan ko ng 300 na card? Pero mas ok na rin siguro yung ganito, kaysa naman maganda cp ko wala namang load at mas malala wala akong pambili ng food?
  • Merong iba kung umasta parang ang yaman-yaman pero di mo din naman mararamdaman at di mo rin makikita sa panlabas na kaanyuan?

 

Actually madami pa sanang mga kaugaliang pinoy eh.. kaso tinatamad na akong magtype. comment nalang kayo if type nyo. malay nyo may matutunan ako sa inyo. Pero I doubt? Hehehe.. Dapat Yabangerz konti...  para di magmukhang poor. Hahaha.

 


Categories: None

Post a Comment

Already a member? Sign In

0 Comments